Marami na sa mga influencer sa social media platform na "TikTok" ang "bumaligtad" at umaming binayaran sila upang siraan umano ang TV/social media personality, model, at negosyanteng si Maggie Wilson, si Tim Connor, at ang kompanya nilang "Acasa Manila" sa pamamagitan ng scripted na "smear campaign."

Ayon sa pagbubunyag ni Maggie sa serye ng Instagram stories, sa halagang ₱8k daw ay nabayaran ang ilang influencers upang i-post ang isang scripted na paninirang-puri laban sa kanila ni Connor at kanilang negosyo.

Photo courtesy: Maggie Wilson's IG via Fashion Pulis

Tungkol ang paninirang-puri sa umano'y pang-scam ni Maggie at kaniyang business partner na si Tim Connor sa ilang customers ng kanilang kompanya.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Ibinahagi ni Wilson ang mga nakalap niyang screenshots ng mga usapan tungkol sa panghihikayat na tanggapin ang "project" na may kaukulang bayad.

Bukod dito, makikita rin sa serye ng kaniyang Instagram stories ang video ng TikTokers na umaming scripted lamang ang lahat, at may nagbayad sa kanila upang siraan si Wilson at ang kompanya nito. Hinimok niya ang mga ito na lumantad upang hindi sila madamay sa anumang legal remedies na nakahanda niyang isampa sa sinumang nagpasimuno nito.

"To all the content creators, organisers, and others that participated in this campaign: We have all your names and many of your IDs, places of work, school, etc. Even if the videos were deleted," saad niya sa kaniyang Instagram stories.

"Once we receive it, we will decide whether to include you in our legal action through the criminal justice system. We encourage you to present this within the next 24 hours," dagdag pa niya.

Photo courtesy: Maggie Wilson's IG story

Sa isa pang post, nanawagan siya sa mga influencer na nakatanggap ng bayad sa mga nagngangalang "Mystee Ramirez," "Kathy Villar," at "Sendrijas Jeff" na makipag-ugnayan sa kaniya upang makaiwas sa posibilidad na madamay sa legal remedies na nakatakda niyang gawin. Ang mga nabanggit na TikToker daw ay umaming scripted lamang ang lahat at humingi na ng tawad kay Maggie.

Isang "Benedict Paredes" naman ang nabanggit na nasama ang pangalan sa screenshots, na umano'y nagbibigay ng instructions kung ano ang gagawin sa script at kung paano ito idedeliver.

Photo courtesy: Maggie Wilson's IG via Fashion Pulis

Photo courtesy: Maggie Wilson's IG via Fashion Pulis

Photo courtesy: Maggie Wilson's IG via Fashion Pulis

Sa isa pang screenshot ay ibinahagi ni Maggie na nagdagdag pa raw ng ₱2k sa talent fee ang promotor nito para lamang sa video na sasagutin lamang kung totoo o hindi ang mga bintang na binayaran lamang ang mga naninira sa kanila.

Sa mga video naman ng pag-amin ng TikTok influencers tungkol sa umano'y pagbayad sa kanila upang siraan si Maggie, Tim, at ang negosyo nila, sinabi nilang may ibinigay nga sa kanilang generic script kapalit ng ₱7k-₱8k.

Karamihan sa kanila ay "kumapit sa patalim" dahil kailangang-kailangan daw ng pera, at ang iba naman ay delayed ang suweldo sa ibang raket at endorsement.

Trending sa X si Maggie Wilson at nanawagan ang mga netizen na huwag nang subaybayan ang platform ng mga influencer na pumapayag sa ganitong gawain.