Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Oktubre 6, na 31.37% o 2,740 sa 8,734 examinees ang nakapasa sa September-October 2023 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE).

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala sina Allaine Beduya Collamar mula sa University of the Philippines – Visayas – Tacloban City at Hebban Talib Tawantawan mula sa University of the San Jose Recoletos bilang topnotchers matapos silang makakuha ng 91.17% score.

Wala naman umanong naging kwalipikado para sa top performing school sa naturang pagsusulit.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Setyembre 31, Oktubre 1 hanggang 2, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Palawan.

Driver na nanagasa sa NAIA, laya na matapos makapagpiyansa

Ayon pa sa PRC, nakatakdang maganap ang online appointments para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration para sa bagong CPAs sa Nobyembre 28 hanggang 29, Disyembre 1 at Disyembre 4 hanggang 7, 2023.