Naglabas ng pahayag si Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa pagkamatay ng tatlong Pilipinong mangingisda matapos mabangga umano ng ‘di pa nakikilalang foreign commercial vessel ang sinasakyan nilang bangka sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

“We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain of the fishing vessel. The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel,” saad ni PBBM sa kaniyang X account nitong Miyerkules, Oktubre 4.

3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal

Inihayag din ng pangulo na nagsasagawa na ng backtracking ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa imbestigasyon.

Dagdag pa niya, gagawa nila ang lahat para panagutin ang mga may pananagutan sa nangyaring insidente. Magbibigay-tulong din daw ang pamahalaan sa pamilya ng mga nasawi.

“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,” anang pangulo.

“Let us allow the PCG to do its job and investigate, and let us refrain from engaging in speculation in the meantime.  Rest assured that the government will provide support and assistance to the vicitims and their families.”

https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1709390367966330945

Matatandaang sinabi ng PCG na nangyari ang insidente noong Lunes ng madaling araw, Oktubre 2, habang nakadaong ang bangka sa layong 85 nautical miles northwest ng Scarborough Shoal.

Maki-Balita: 3 Pinoy na mangingisda, patay nang mabangga ng foreign vessel ang bangka nila sa Scarborough Shoal