Patay ang tatlong Pinoy na mangingisda matapos mabangga umano ng ‘di pa nakikilalang foreign commercial vessel ang sinasakyan nilang bangka sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules, Oktubre 4.
Ayon sa PCG nangyari ang insidente noong Lunes ng madaling araw, Oktubre 2, habang nakadaong ang bangka sa layong 85 nautical miles northwest ng Scarborough Shoal. Naiulat naman ang insidente nitong Martes ng umaga, Oktubre 3.
Dagdag ng PCG, iniulat umano sa kanila ng isa sa 11 nakaligtas na namatay ang kapitan ng bangka at ang dalawa pa nilang kasamahan nang lumubog ang bangka dahil sa insidente. Nagawa rin anilang makaalis sa lugar gamit ang kanilang walong service boats at dinala ang mga bangkay sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan.
Samantala, wala pang detalye kung saang bansa galing ang nasabing foreign vessel.