“Ipaglaban po natin kung ano po ang atin.”

Ito ang pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos niyang purihin ang pamahalaan kaugnay ng pagtanggal ng floating barrier na pinangharang ng China sa Bajo De Masinloc, mas kilala bilang Panatag Shoal o Scarborough Shoal, na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Go na kailangang protektahan ang “sovereignty” at “territorial integrity” ng Pilipinas.

"My previous position d'yan, kung ano po ang atin ay atin. What is ours is ours. Ipaglaban po natin kung ano po ang atin,” saad ng senador.

Floating barrier ng China sa Bajo De Masinloc, pinutol ng PCG

Matatandaang sa utos umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pinutol at tinanggal na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na pinangharang ng China sa Bajo De Masinloc.

"Trabaho po 'yun ng ating mga nasa gobyerno, sa Executive Department, DFA, PCG. I'm sure alam nila ang kanilang ginagawa," ani Go.

“Kung ano nga po ang atin ay atin 'yun, 'wag nating hayaang nakaharang d'yan ang mga barriers. Kung agrabyado naman tayo, kung ano nga po ang atin, ipaglaban po natin. What is ours is ours," saad pa niya.