Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN nitong Huwebes, Setyembre 28, hinggil sa naging pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa motions for reconsideration na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension nito.

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

“We received the decision of the Movie and Television Review and Classification Board denying our Motion for Consideration regarding ‘It’s Showtime’ and are currently exploring all our remedies and options,” saad ng ABS-CBN.

Ayon pa rito, dahil hindi pa naman umano “final” at “executory” ang ipinataw na suspensiyon ng MTRCB, mapapanood pa rin daw ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV, maging sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Samantala, nagpasamat din ang ABS-CBN sa mga taong patuloy umanong sumusuporta sa kanilang noontime show.

“We are truly grateful for the unwavering love and support that we have received from our viewers,” anang ABS-CBN.

“We remain committed to bringing joy and inspiration to our beloved Madlang People,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa It’s Showtime dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB