Nasa ₱4 milyon ang donasyon ng People's Republic of China (PROC) sa Provincial Government of Cagayan para sa mga naapektuhan ng bagyong 'Egay' kamakailan.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sa ginanap na regular flag-raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nitong Lunes, Setyembre 25, personal na ibinigay ni Governor Manuel Mamba ang nasabing donasyon sa provincial treasurer ng lalawigan na si Mila Mallonga, ayon sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office.

Nauna nang tinanggap ng gobernador ang donasyon mula sa Embahada ng PROC sa Pilipinas.

Kamakailan, nag-donate din ng ₱200,000 ang Land Bank of the Philippines, ₱1 milyon na halaga na na-download ng City Government of Davao at ₱1 milyon mula sa City Government of Pasig.

Nangako rin ang pamahalaang panlalawigan na ibibigay nila ang donasyon sa mga sinalanta ng bagyo sa lalawigan.