Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami mula sa magnitude 6.6 na lindol na yumanig sa Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Setyembre 26.

“No destructive tsunami threat exists based on available data,” pahayag ng Phivolcs.

“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” saad pa nito.

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na yumanig ang naturang magnitude 6.6 na lindol dakong 9:39 ng umaga.

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Namataan umano ang epicenter nito 434 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 122 kilometro.