Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Setyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:39 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 434 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 122 kilometro.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

Sa hiwalay na ulat, nilinaw ng Phivolcs na walang banta ng tsunami mula sa naturang lindol.