Hindi raw dolyar kundi tsokolate ang naispatang isinusubo ng isang babaeng screening officer sa airport ayon sa kaniyang depensa.

Sa ulat ni Joseph Morong ng GMA Integrated News sa pamamagitan ng "24 Oras," sinabi ni Office for Transportation Security (OTS) administrator Usec Mao Aplasca na itinanggi ng OTS personnel na dolyar ang isinubo niya kundi tsokolate raw, ayon sa isinumite niyang supplemental affidavit na kinakailangan sa masusing imbestigasyon.

Subalit giit ni Aplasca, duda rito ang fact-finding committee dahil tila hindi naman daw normal ang pamamaraan ng officer sa pagsubo at pagkain nito, na tila isinasalaksak sa kaniyang bibig. Naniniwala umano ang komite na hindi tsokolate ang isinubo ng nabanggit na officer.

Naghain na umano ng kaso ang OTS laban sa personnel ng kasong administratibo at grave misconduct kabilang na ang supervisor at isa pang airport screener na nag-abot daw sa kaniya ng bottled water, na nakita naman sa CCTV na tinungga niya upang maitulak ang isinubong bagay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan daw ay sinuspinde na ang tatlo, habang 14 na OTS personnel ang nakatakda pang imbestigahan.

MAKI-BALITA: DoTr, inatasan OTS na kasuhan ang NAIA screening officer na ‘lumunok’ ng $300