Nag-reach out si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee kaugnay ng insidente ng pagharang ng kaniyang marshal sa premyadong manunulat sa naganap na Manila International Book Fair (MIBF) kamakailan.
Inianunsyo ito ni King of Talk Boy Abunda sa isang ">segment ng kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda.”
Ayon kay Tito Boy, maging siya ay nalungkot daw sa nangyaring “pagharang” kay Ricky ng nasabing marshal, ngunit humingi na raw ng tawad si Pia sa national artist kahit hindi raw kasalanan ng beauty queen ang nangyari.
"I felt bad for Ricky,” ani Tito Boy. “Take away the national artist title, take away anything. Ricky is one the most beautiful people I've met in my life. He doesn't like to call attention to this.”
“Pero ang maganda ho nito, ang balita namin ay nag-reach out na si Pia, even if it was not Pia's fault, to apologize, to say sorry na nangyari ito," dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Tito Boy na bagama’t naayos na raw ang isyu, maging leksyon daw dapat ang nangyari para tratuhin nang maayos ang ibang tao.
"Importante na tinatrato natin ang, number one, seniors. Number two, this was a book fair, this was a cultural event. Actually may batas po eh, kung paano tinatrato mga ang national artist,” saad ng award-winning host.
“But I’d to pay tribute to Ricky for remaining such a humble person. Ikaw ang dapat tularan naming lahat. I bow to you," dagdag pa niya.
Matatandaang naging usap-usapang kamakailan ang nangyaring pagharang ng marshal ni Pia kay Ricky matapos nitong kamayan at batiin ang beauty queen, na nasa MIBF din para sa launching ng kaniyang isinulat na aklat na “Queen of the Universe: A Novel.”
Sa panayam naman ng PEP kamakailan ay naglabas ng pahayag si Ricky hinggil sa nasabing usapin.
https://balita.net.ph/2023/09/20/ricky-lee-nagsalita-sa-isyung-nabastos-siya-ng-marshal-ni-pia-wurtzbach/