Na-stranded ang ilang motorista sa bahagi ng EDSA Santolan sa Quezon City (northbound) dahil sa baha na dala ng malakas na pag-ulan bunsod ng sama ng panahon nitong Sabado.

Sa larawang isinapubliko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), makikita nakahinto ang lahat ng sasakyan sa  nasabing lugar, tapat ng Camp Aguinaldo dahil sa hanggang baywang na baha.

Kitang-kita rin sa litrato ang mga naipit na bus na nasa EDSA busway dahil sa nakaharang na dalawang pribadong kotse.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

"As of 12:54 PM. EDSA NB Camp Aguinaldo. Waist Deep. Not passable to all types of vehicles," abiso ng MMDA.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng makaranas ng pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) na huling namataan 85 kilometro hilagang silangan ng Infanta, Quezon.

Bukod dito, umiiral din ang southwest monsoon na makaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.