Pinagmulta ang isang Australiano matapos umano itong mag-surfing habang nakapulupot sa kaniyang leeg ang alaga niyang python.

Sa ulat ng Agence-France Presse, nagkagulo sa Gold Coast sa Australia nang lumabas sa footage ang lalaking nasa dagat kasama ang carpet python nito.

Dahil hindi umano nagtataglay ng permit ang lalaki para isama ang naturang reptilya sa pampublikong lugar, pinagmulta siya ng 2,322 Australian dollars ($1,500).

Ayon sa Department of Environment and Science ng Queensland nitong Lunes, Setyembre 18, kinakailangan ang isang hiwalay na permit upang mailabas ang isang hayop sa kanilang lugar.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

"Snakes are obviously cold-blooded animals, and while they can swim, reptiles generally avoid water,” pahayag nito.

"The python would have found the water to be extremely cold, and the only snakes that should be in the ocean are sea snakes,” dagdag pa.

Ang mga carpet python ay mga hindi makamandag na ahas na maaaring lumaki ng hanggang tatlong metro (nasa 10 feet) ang haba; binabalot nila ang kanilang biktima at pinipiga ito hanggang sa ma-suffocate, ayon pa sa ulat ng AFP.

Karamihan umano sa naturang uri ng ahas ay kumakain ng mga ibon, butiki at iba pang maliliit na mammal.