Nag-celebrate ang mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang 10th anniversary.

Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Setyembre 16, nagbahagi si Matteo ang ilang mga larawan ng tila anniversary date nila ni Sarah.

“10 years my love. I love you ❤️,” caption ni Matteo sa nasabing post.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa isang dekadang pagmamahalan ng celebrity couple.

‘Welcome to the fur-mily!’ Sarah, Matteo ipinakilala ang bago nilang ‘furbaby’

Narito ang ilang komento ng netizens:

“A blessed 1 decade to both of you! Mahal namin kayo! ❤️.”

“Happy Anniversary po Kuya Matt and Ate Sarah🫶❤️🫶🎂🎊 Stay inlove po forever. Ingat po kayo palagi and stay happy. I miss and love you both.”

“Happy Anniversary, my fave couple!😍.”

“Happy Anniversary po ❤️ Keep the love alive🥰 See you soon🙏🏻 We love you 😍🥰❤️ God bless🙏🏻.”

“Wow 10 years! Happy Anniversary AshMatt!!! 🥂🫶.”

Matatandaang nagsimula ang relasyon ng celebrity couple noong 2013.

Taong 2020 naman nang ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding sa Taguig City.