Ipinakilala ng mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang bagong “furbaby” ng kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Matteo ang isang sweet photo nila ni Sarah habang napapagitnaan ang kanilang bagong pusa.

“Welcome to the family Fruity ❤️,” caption ni Mateo sa kaniyang post kasama ang hashtag na #lifewiththegs.

Bukod kay Sarah, naka-tag din sa naturang post ang Instagram page ng Rainbow Whisker, kung saan umano nanggaling si Fruity.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

“Fruity Of Rainbow Whiskers is now with her new family,” saad naman ng Rainbow Whisker sa kanilang Instagram post kalakip ang larawan kasama sina Sarah at Matteo.

“I cant be more grateful and thankful , thank you from the bottom of our heart maam @justsarahgph and sir @matteog for trusting our cattery god bless you both and fruity will be super happy with you both 🧿🧿🧿🧿😻😍🫶🇵🇭🙏,” dagdag pa nito.

Bukod kay Fruity, mayroon umanong furbabies na limang aso sina Sarah at Matteo.

Matatandaang taong 2020 naman nang ikinasal ang celebrity couple sa pamamagitan ng civil wedding sa Taguig City.