Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang isang 97-anyos na lolo mula sa New Zealand bilang pinakamatandang motorcycle racer sa buong mundo.

Sa ulat ng GWR, una raw sumabak si Leslie Harris sa karera ng motorsiklo noon pang 1953.

Kuwento umano ng anak ni Les na si Tim, mailalarawan niya ang kaniyang ama bilang “very active” at “somewhat of an anomaly” para sa kaniyang edad.

Tulad nga raw ng laging sinasabi ni Les: “I’m not finished yet, I don’t need to leave.”

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

"His passion is racing his BSA Bantam classic motorbikes at whatever racing event he can enter. He is busy modifying his bike in preparation for the next event and to suit his aging and shrinking frame,” kuwento ni Tim.

Sa pitong dekada niyang pagsabak sa karera ng motorsiklo, marami na rin daw napagdaanan si Les at nakamit na tagumpay.

“Les had previously won this event in 2019, aged 93, however, he faced several setbacks which prevented him from competing again until this year,” anang GWR.

Sumailalim na rin umano ito sa hip replacement pagkatapos niyang makamit ang naturang tagumpay noong 2019. Dahil dito, ilang buwan din siyang hindi nakasabak sa iba pang karera.

Taong 2020 naman nang pumasok siya sa Classic Festival upang depensahan ang kaniyang titulo doon. Gayunpaman, nagtamo siya ng injury at hindi na nagawang makipagkumpetensya sa naturang kaganapan.

“While mounting his motorcycle for a qualifying race, the bike slipped off the roller starters, resulting in Les falling off and breaking six ribs,” saad ng GWR.

Masuwerteng namang naka-recover si Les mula sa naturang insidente.

Kaya naman, sa edad na 97 sa unang bahagi ng taong ito, sumabak si Les sa Pukekohe 43rd Classic Motorcycle Festival sa Auckland, kung saan iginawad sa kaniya ang titulong “world’s oldest competitive motorcycle racer.”

Sa ngayon ay pinaplano raw ni Les na sumali sa iba pang mga kaganapan sa taong ito. Sabik din niyang hinihintay ang 44th Classic Festival, na gaganapin naman sa Pebrero 2024.