Nakisimpatya si House Speaker Martin Romualdez sa mga nabiktima ng lindol sa Morocco na umabot na umano sa mahigit 2,000 indibidwal.

Matatandaang noong Biyernes ng gabi, Setyembre 9, nang yanigin umano ng magnitude 6.8 na lindol ang timog-kanluran ng Marrakesh, Morocco.

Base sa huling ulat ng mga awtoridad nitong Lunes, Setyembre 11, umabot na umano sa halos 2,500 ang mga nasawi dahil sa lindol.

Internasyonal

Morocco, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

https://balita.net.ph/2023/09/11/mga-nasawi-sa-lindol-sa-morocco-umabot-na-sa-halos-2500/

“In the wake of the recent devastating earthquake in Morocco, we express our heartfelt sympathies to the Moroccan people. Such events are poignant reminders of the unpredictable forces of nature we all must grapple with,” pahayag ni Romualdez.

“As we share our condolences with the affected families, we acknowledge the commendable efforts of the rescue teams, working diligently amidst adversity. The international community stands united in its wish to see swift recovery and healing for Morocco during these challenging times,” dagdag pa niya.

Samantala, inihayag din ni Romualdez na natutuwa siyang malaman na walang Pilipinong nakasama sa bilang ng mga nasawi dahil sa lindol.

https://balita.net.ph/2023/09/09/walang-nadamay-na-pinoy-sa-6-8-magnitude-quake-sa-morocco-ph-envoy/

“We are also mindful of our own citizens abroad, and it is a relief to know that the Filipino community in Morocco is safe,” ani Romualdez.

“Our appreciation extends to the Department of Foreign Affairs and Ambassador Leslie Baja for their dedicated efforts in ensuring the well-being of our nationals.”

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang mga Pilipino sa Morocco na mag-ingat at manatiling makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad.

“In moments of global challenges, unity and understanding are paramount. We extend our hand in solidarity to Morocco and remain committed to the welfare of our overseas Filipino community,” saad pa ni Romualdez.