Halos 2,500 indibidwal na ang naiulat na nasawi sa Morocco dahil sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa naturang bansa noong Biyernes, Setyembre 8, ayon sa mga awtoridad nitong Lunes, Setyembre 11.

Matatandaang naiulat na tumama ang naturang malakas na lindol noong Biyernes ng gabi sa timog-kanluran ng Marrakesh, Morocco.

Sa ulat ng Agence-France Presse, bukod sa mga nasawi ay mahigit 2,000 na rin umano ang naitalang nasugatan nitong Lunes, ang ikatlong araw mula nang yumanig ang lindol.

Internasyonal

Morocco, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

Dahil dito, mas pinaigting ang rescue operations sa Morocco na sinuportahan na rin ng mga bagong dating na dayuhang koponan.

Nasa 12 ambulansya at ilang dosenang 4X4 mula sa mga sundalo at pulis umano ang naka-deploy habang humigit-kumulang 100 Moroccan rescuer ang patuloy na naghahanap ng mga buhay sa gitna ng mga gumuhong gusali sa komunidad ng Talat Nyacoub, kung saan yumanig ang lindol.

May nakita rin umano ang AFP na isang Spanish team na binubuo ng 30 bumbero, isang doktor, nars at dalawang technician na nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Moroccan at nagsimulang maghukay upang makahanap ng survivors.

Samantala, inihayag ni Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja na walang Pinoy na nakasama sa mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig sa naturang bansa.

https://balita.net.ph/2023/09/09/walang-nadamay-na-pinoy-sa-6-8-magnitude-quake-sa-morocco-ph-envoy/