Ipinagmamalaki natin nang husto kapag kinikilala ang talentong Pilipino sa pandaigdigang entablado. Ngunit ang ating suporta para sa kultura at sining, at sa malikhaing industriya sa kabuuan, ay hindi dapat limitado sa ating mga papuri at palakpakan.

Ayon sa World Economic Forum (WEF), ang mga cultural leader at mga social innovator ay dapat lalong magtulungan upang makagawa ng mas malaking epekto sa ating lipunan. Magagamit nila ang kapangyarihan ng pagkamalikhain at pagkukuwento upang matugunan ang ilan sa mga pinakamalaking problema sa mundo. Halimbawa, gamit ang pelikula ay maaaring itaguyod ang pantay na karapatan, tulad ng Kenyan filmmaker na si Wanuri Kahiu. Ang kaniyang pelikulang Rafiki, na tumatalakay sa mga karapatan ng LGBT, ang unang Kenyan na pelikula na naimbitahan sa Cannes Film Festival.

Maaaring bigyan ng lakas ang mga differently abled persons sa pamamagitan ng sining, tulad ng ginawa ng social entrepreneur na si Andreas Heinecke sa kaniyang Dialogue in Dark, isang eksibisyon na gumagamit ng mga bulag bilang “museum guide” upang gabayan ang mga bisita sa mga setting sa ganap na kadiliman kung saan natututo silang makipag-ugnayan nang walang paningin. Ito ay nakatutulong na baguhin ang mga mindset tungkol sa kapansanan.

Maaari rin isulong ang pagbabago ng mga komunidad sa pamamagitan ng paggawa ng mga creative spaces; pagbuo ng isang mas inklusibong mundo sa pamamagitan ng pantay na representasyon sa media; at pagbibigay ng boses sa mga walang boses sa pamamagitan ng litrato.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Dito sa ating bansa, nagkakaroon na ng mas malakas na suporta para sa pagpapaunlad at pagsulong ng mga malikhaing industriya.

Sa pamamagitan ng Republic Act No. 11904, ang Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA), sinisiguro na ngayon ang pagpopondo para sa industriya.

Ang nasabing batas, na pangunahing iniakda ni Pangasinan Fourth District Representative Christopher “Toff” De Venecia, ay nag-uutos sa pagsulong at suporta para sa pagpapaunlad ng mga malikhaing industriya ng bansa, gayundin upang protektahan at palakasin ang mga karapatan ng mga practitioner sa industriya.

Ipinaliwanag noon ni Congressman Toff na ang layunin ng batas ay lumikha ng Philippine Creative Industry Development Council (PCIDC) na dapat bumalangkas at magsagawa ng Philippine Creative Industries Development Plan (PCIDP), na dapat palakasin ang pag-unlad ng mga creative mula sa edukasyon at pagsasanay ng ating batang creative pool, hanggang sa paggawa ng malikhaing nilalaman at mga ideya, post-production, marketing, dissemination, at maging sa pag-export ng mga creative na produkto at serbisyo.

Ang PCIDP ay maglalaman ng ilang mga mekanismo ng suporta na nakatuon sa pagtugon sa mga partikular na alalahanin sa malikhaing ecosystem na sumasaklaw sa imprastraktura, pananaliksik at pagpapaunlad, pagbabago, digitalization, financing, pamumuhunan, at edukasyon, bukod sa iba pa.

Nilalayon din ng batas na pasiglahin ang mga pagsisikap na mapanatili ang kahusayan sa mga malikhaing pagsisikap ng mga Pilipino sa pamamagitan ng proteksyon ng kanilang mga intellectual property (IP) rights, bukod sa marami pang paraan ng suporta.

Marami nang pagsisikap na suportahan ang sektor ng creatives. Sa katunayan, ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay naghahanda na ng daan—mula sa kanyang mga hakbangin na tumutulong sa ating tradisyonal na sining sa pamamagitan ng “Likha”; suporta para sa lokal na industriya ng tela at mga Filipino fashion designer sa pamamagitan ng iba't ibang exhibit; suporta para sa mga museo, aklatan, at mga heritage structure bilang mga sisidlan para sa pangangalaga at pagtataguyod ng kasaysayan, sining, at kultura; at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at Cultural Center of the Philippines (CCP).

Maaaring tingnan ng PCIDC kung paano nila maaaring palakihin ang mga hakbangin na ito upang masakop ang iba’t ibang sektor ng malikhaing industriya.

Dahil ang PCIDA ay isang napaka-bagong batas, hindi pa natin nakikita at nararamdaman ang mga epekto nito sa mga malikhaing sektor, ngunit ang mga Pilipino sa pangkalahatan, bilang mga tumatangkilik ng mga produkto ng malikhaing industriya ay dapat na maglaan din na kanilang suporta, upang ang ating mga papuri at palakpakan ay magkaroon ng mas malalim na kahulugan para sa ating mga malikhaing mamamayan at manggagawang pangkultura, at para sa ating lipunan sa kabuuan.