Hindi makapaniwala ang aktres na si Isabelle Daza sa nalikom umano niyang donasyon para kay Elvie Vergara, isang kasambahay mula sa Occidental Mindoro na nabulag dahil sa pang-aabuso umano ng kaniyang dating mga amo sa loob ng tatlong taon.
Matatandaang noong Biyernes, Setyembre 8, nang ianunsyo ni Isabelle sa kaniyang Instagram post ang kaniyang fundraising campaign para matulungan si Vergara sa pagpapagamot at mga gastusin nito sa pang-araw-araw.
Nito lamang namang Sabado, Setyembre 9, nagpahayag ng pagkabigla ang aktres sa nalikom na umano niyang malaking halaga sa maikli lamang na panahon.
“This is insane,” saad ni Isabelle sa kaniyang Instagram story kalakip ang screenshot ng kaniyang fundraising na umabot na sa ₱783,805 mula sa 617 donors para kay Vergara.
“You guys wow,” dagdag pa ng aktres.
Matatandaang nagsalaysay kamakailan si Vergara sa senado tungkol sa iba’t ibang uri umano ng pananakit at pagmamaltrato na natanggap niya mula sa kaniyang mga dating amo, na humantong nga sa kaniyang pagkabulag.
https://balita.net.ph/2023/09/06/kasambahay-na-nabulag-daw-sa-maltrato-ng-amo-nagkuwento-sa-senado/