Idinetalye ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “due process” na isinagawa umano ng board kaugnay sa pagpataw nito ng 12 airing days suspension sa noontime show na “It’s Showtime.”
MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB
“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) reassures the public that it will continue to uphold due process and fairness in the discharge of its regulatory mandate and quasi-judicial function, as provided by law,” paunang pahayag ng MTRCB nitong Martes, Setyembre 5.
“In each adjudication proceeding, the Board ensures that respondents are accorded due process and exercise their right to a fair trial,” dagdag pa nito.
Inihayag din ng MTRCB na sa pamamagitan ng Hearing and Adjudication Committee ng ahensya, binibigyan umano ang respondents na ilatag ang kanilang mga kaso at magpasa ng “position papers,” na isasalang naman ng nasabing komite sa deliberasyon.
“After considering the merits of the case, the Committee recommends to the Board its final decision for affirmation,” paliwanag nito.
Pagdating sa kaso ng It’s Showtime, inihayag ng MTRCB na nagkaroon ng special board meeting noong Agosto 17, 2023 upang mapag-usapan umano ang “multiple adjudicated cases,” kabilang na ang episode ng It’s Showtime noong Hulyo 25, 2023, kung saan nangyari ang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata,”
Sa kanila naman umanong regular board meeting noong Agosto 29, 2023, sinabi ng MTRCB na “unanimous” ang naging desisyon ng Board upang suspendihin ang It’s Showtime.
“This decision was made with careful consideration of prior warnings and offenses associated with the show,” paliwanag ng MTRCB.
Binigyang-diin din nitong pinagbawalan umanong bumoto sa naturang deliberasyon si MTRCB Chairperson Lala Sotto.
“Chairperson Lala Sotto inhibited from voting, ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action,” saad ng MTRCB.Sa kabila naman umano ng pagpataw na parusa, may karapatan ang noontime show na maghain ng Motion for Reconsideration (MR) sa loob ng 15 araw matapos mailabas ang desisyon ng board.
“Should the respondents find the Board’s decision on the MR unfavorable, they may choose to appeal to the Office of the President within fifteen (15) days from the receipt of the decision on the MR,” anang MTRCB.
“The order suspending the show shall only take effect after the lapse of the aforementioned periods without the respondents having filed their MRs or appeals,” saad pa nito.
Inihayag naman ng ABS-CBN nitong Lunes na aapela ito sa inilabas na desisyon ng MTRCB hinggil sa It’s Showtime.
MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB