Umani ng kritisismo mula sa mga netizen ang ginawang "pagsalo" ng dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Karen Bordador, sa last minute na pagtanggal sa actress-singer na si Kristel Fulgar bilang host ng fan meeting ng Korean idol na si Seo In-guk noong Lunes, Agosto 12, na ginanap sa New Frontier Hotel sa Quezon City.
“Due to unforeseen circumstances, I will no longer be hosting Seo In Guk's fan meet in Manila tonight. While l am saddened by this turn of events, l understand that decisions are made beyond our control,” aniya.
“I want to assure you all that my support for Seo In Guk remains steadfast. He is an amazing artist, and I will continue to cheer him on in his endeavors. Thank you for your understanding, love, and support. Let's continue to celebrate Seo In Guk together!” dagdag pa ng aktres.
Noong Agosto 15, emosyonal na ibinahagi ni Fulgar ang kaniyang paliwanag kung bakit bigla siyang na-elbow bilang host sa nabanggit na fan event.
Ito raw ang kauna-unahang beses at karanasan niya, sa 20 taon niya sa industriya ng showbiz.
Ang nagsabi raw sa kaniya na hindi na siya ang magiging host ay ang Korean technical director ng nabanggit na fan meeting. Kuwento pa ni Fulgar, 7:00 pa lamang ng umaga ay nasa venue na siya para sa rehearsal. Excited ang aktres dahil personally ay fan siya ng Korean star.
“I prepared for this for so long. I took the time and prepared myself for this. I never accepted any hosting gigs, just this one for Seo In-guk.”
“I know I’m not an expert in hosting but I know I can connect with my co-fans and that’s what I really wanted to do,” aniya.
Pag-amin niya, dahil rehearsal pa lang naman ay hindi niya muna ibinigay ang 100% ng enerhiya niya.
“Since rehearsal ‘yon, hindi ako sanay na ibigay ‘yong 100% energy ko. So kung nakulangan sila sa energy sa rehearsal, sabi ko I would do my best. Nag-expect ako na ipapaakyat ako ulit sa stage para maipakita ko ‘yong 100% na sinasabi ko pero hindi raw,” aniya.
Nalungkot si Fulgar na hindi man lamang siya binigyan ng pangalawang pagkakataon upang patunayan ang sariling deserve niyang mag-host ng nabanggit na fan meeting.
“Kung sinasabi nila na gusto lang namin ng magiging magandang event, hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ko ang sarili ko,” dagdag pa.
Kahit na nagkaganoon, inabangan pa rin ni Fulgar si Seo In-guk upang makausap ito at makapagpa-selfie. Hindi umalis si Fulgar at naupo na lamang sa audience area.
Ang pumalit na host nga sa kaniya ay si Karen, na matapos ang kaniyang hosting job ay umani naman ng pambabatikos mula sa netizens.
Batay sa kaniyang YouTube channel, sinabi ni Karen na 100% energy ang ibinigay niya sa rehearsal pa lamang. Biglaan din lamang daw ang pagtawag sa kaniya dahil na-impress daw ang management sa ginawa niyang hosting kamakailan, kaya siya raw ang hinanap.
Nilinaw ni Karen na hindi niya alam ang mga nangyari bago siya ipatawag at kunin ang kaniyang serbisyo.
“So, I don't really know what transpired earlier because that's none of my business. The point is they needed me that time. I just told myself my mind's gonna be 100% focused on this one," ani Karen.
"I wanna give a good show. I don't wanna look like I just arrived, as if I memorized everything. It's like pretending you know everything but you do not" aniya pa.
Sa kaniyang X post ay bumanat pa si Karen.
"After receiving mean and baseless IRRATIONAL hate I didn’t deserve…now what?"
"So easy to point fingers but naturally no accountability taken."
"Damage is done! Karma comes in many forms. Hope you learned something. God bless!"
Hindi naman tinukoy ni Karen kung sino ang pinariringgan niya sa nabanggit na X post.
https://twitter.com/Karen_Bordador/status/1691456482225922048