Siyam na umano'y fixer ang naaresto ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) sa LTO Novaliches District Office kamakailan.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Pansamantalang nakapiit ang mga suspek at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.

Kinilala ang mga ito na sina Alberth Santos, 31; Archie Sesbreño, 48; Vicente Pinon III, 42; Melvin Reoloso, 39; Markley Naloste, 44; Jeffrey Balsote, 39; Richard Bando, 41; Dexter Tequin, 26; at Ovito Medallo, 57. 

Ang mga naturang suspek ay nabisto ng isang "mystery applicant" na kaagad na nagsumbong sa opisina ni LTO chief Vigor Mendoza III na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Sa imbestigasyon, inamin umano ng mga suspek na may koneksyon sila sa loob ng LTO kaya nailulusot nila ang mga non-appearance application para sa driver's license.

Aaron Recuenco