Nasa 72.44% o 339 sa 468 examinees ang pumasa sa August 2023 Psychologists Licensure Exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Agosto 9.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Jessicca Mae Ong Dee mula sa Ateneo de Manila University - Quezon City bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 86.10% score.

Samantala, hinirang na top performing school ang Ateneo de Manila University - Quezon City matapos umano itong makakuha ng 100% overall passing rating.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Agosto 1 hanggang Agosto 2 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio City, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Palawan.
Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño