Ibinahagi ng dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño-Seguerra na nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang kaniyang amang si dating Department of Local and Interior Government (DILG) Undersecretary Martin Diño.

Makikita sa kaniyang Instagram post ngayong Lunes, Agosto 7, ang update tungkol sa kalagayang pangkalusugan ng kaniyang ama. Inilakip ni Liza ang isang larawan kung saan makikitang mahigpit na nakahawak ang kamay ng kaniyang ina sa kamay ng kaniyang amang nakaratay sa hospital bed.

"Enduring love," mababasa sa Instagram post ni Liza.

"A poignant moment where my mom's hand holds not just my dad's, but also years of hurt and healing. Despite his critical condition, her firm grip and resilience whispers strength…and forgiveness."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Laban papa. Mahal ka namin."

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Liza ang larawan ng pagdalaw niya sa ama noong Disyembre 25, 2022, araw ng Pasko.

May hashtag itong #momentswithmyfather.

"Dec 25, 2022. Visited my papa for Christmas. I rarely receive gifts from hindi because hindi nya love language yun but for the first time, nakatanggap ako ng angpao (red envelope) sa kanya."

"Tuwang-tuwa ako coz I know he was trying and expressing in his own way that he loves me. When time is scarce, savor the small joys."

Bumaha naman ng dasal para sa mabilis na recovery ng dating DILG usec.

"Get well soon, sir!"

"Get well soon Sir! Marami pa tayong gagawin..."

"Gagaling ka sir in God's healing grace."

"Sending prayers for healing po, for all you."