Ibinida ng Kapuso star na si Kyline Alcantara ang pamamahagi niya ng tulong sa mga kababayan ng kaniyang ama, sa hometown nito sa Albay.

Ang recipient ng kaniyang paayuda ay mga pamilya at residenteng nabiktima ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

"Today, I got to visit my father’s hometown and checked with people who are greatly affected with Mayon," saad ni Kyline sa kaniyang Instagram post noong Agosto 1, 2023.

"Glad that I was able to see them, talk to them and hug them. I was able to see their little smiles and glimmer of hope in their eyes despite what happened."

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hinikayat ni Kyline ang lahat na tumulong sa mga kababayan sa kahit na anumang paraang kaya nila, lalo na sa mga nahambalos ng iba't ibang kalamidad.

"I encourage everyone to help our kababayan who are in dire need, especially those who are greatly affected with recent typhoons and Mayon. It doesn’t have to be big or small — small things goes a long way, right?"

"I hope that this is just one of many. I hope to see you and be with you on my next charity. ♥️" dagdag pa.