Ipinahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na napakahalaga ng “youth ministry” para sa kinabukasan ng simbahan.

“Even if they show a secularist attitude, let us not abandon them,” ani Bishop Tobias sa pahayag ng CBCP. “If you disregard them, you disregard the future of culture and the future of the church.”

“To my fellow bishops, priests and lay people, let us not abandon the families, especially our young people,” saad pa niya.

Kasalukuyang nasa Lisbon, Portugal si Bishop Tobias para lumuhok sa World Youth Day.

Cardinal Tagle sa kabataang Pinoy: ‘Spread the influence of Jesus’

Sa edad na 82, kabilang siya sa pitong mga obispo mula sa Pilipinas na dumalo sa pinakamalaking pagtitipon ng kabataan.

Ito ang kaniyang ikasampung beses na dumalo sa World Youth Day.

Samantala, sinabi rin ni Bishop Tobias na dapat ipaalala ng World Youth Day sa lahat ng stakeholders na makiisa sa kabataan at suportahan ang mga inisyatiba na kanilang pinamumunuan.

Dapat din umanong harapin ng simbahan ang mga isyung nakaaapekto sa kabataang Katoliko sa kasalukuyan, kabilang na ang tinatawag niyang "sexual revolution."

“It’s everywhere, so the Church will have to face that whether you like it or not,” saad ni Bishop Tobias.