Ipinahayag ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa kabataang Pilipino na maging social media influencers na may layuning ibahagi ang mga salita ng Diyos.

Sa ulat ng CBCP, sinabi ni Cardinal Tagle sa Filipino pilgrims na lumahok sa World Youth Day sa Lisbon, Portugal na umaasa siyang matutunan nila mula kay HesuKristo kung paano maimpluwensiyahan ang ibang tao para sa kabutihan.

“Please, young people of the Philippines, spread the influence of Jesus, the influence of truth, justice, caring for the earth, and caring for fellow human beings in the world called social media,” ani Tagle.

“If the one influencing you is Jesus and the Gospel, go right ahead, influence other people through this social media which is a world in itself,” dagdag niya.

National

Rep. Defensor, ‘10/10’ confident na mapapatalsik si VP Sara

Ang naturang mensahe ay inihayag ni Cardinal Tagle sa "One Filipino Reunion" sa Lisbon, kung saan nagkaroon din ng misa na pinangunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng CBCP Episcopal Commission on Youth sa St. Mary Magdalene Church.

Kasama umano ni Bishop Alarcon sina Bishop Bartolome Santos ng Iba at Bishop Severo Caermare ng CBCP Episcopal Commission on Indigenous Peoples.

Mahigit isang libong Filipino pilgrims ang kasalukuyang nasa Lisbon para sa isang linggong pagtitipon ng kabataan mula sa iba't ibang dakong ng mundo, na pormal sinimulan noong Agosto 1.

Pinuno ng humigit-kumulang 500,000 kabataan mula sa buong mundo ang Eduardo VII Park noong Huwebes upang salubungin si Pope Francis, na nanguna sa welcoming ceremony ng World Youth Day.

Ayon kay Cardinal Tagle, isang testimonya ang World Youth Day na ang pananampalataya ng bawat tao ay isang daan para sa pagkakaisa.

“We could be the seed of unity, communion, respect for human beings, respect for diversity, because we believe in Jesus Christ,” aniya.