Namahagi ang Marikina City Government ng shoe vouchers para sa mga kalahok sa idinaraos na ika-63 Palarong Pambansa sa lungsod.

Personal na pinangasiwaan ni Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang distribusyon ng tig-P1,500 na halaga ng shoe vouchers sa Shoe Hall ng Marikina City Hall nitong Martes.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Kabilang sa mga nabiyayaan ng shoe vouchers ay ang may 2,300 coaches, mga miyembro ng national technical working group at Palarong Pambansa Secretariat.

Ang mga naturang vouchers ay maaaring ipagpalit ng sapatos ng mga ito sa alinmang stall sa Palaro Shoe Bazaar, na matatagpuan sa tabi ng Marikina City Freedom Park.

Ang Marikina City ang nagsisilbing host city ng Palarong Pambansa ngayong taon na sinimulan nitong Hulyo 31 at magtatagal hanggang sa Agosto 5, 2023.