Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang probinsya ng Apayao nitong Martes ng hapon, Agosto 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:03 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kabugao, Apayao, na may lalim na 30 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Aparri, Cagayan
Intensity II - Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte; Candon, Ilocos Sur
Intensity I - Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.