Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Hulyo 30, na umabot na sa ₱5.8 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura na dulot ng pananalanta ng bagyong Egay sa bansa.

Sa situational report ng NDRRMC, umabot na sa ₱1,501,183,483.27 ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang ₱4,388,703,839.36 naman sa imprastraktura.

Ang Rehiyon 2 umano ang nagkaroon ng pinakamataas na bilang ng pagkalugi sa agrikultura sa ₱1.02 bilyon.

Sinundan ng Central Luzon sa ₱253 milyon; Mimaropa (Region 4B) sa ₱119 milyon; Region 6 sa ₱53 milyon; CAR sa ₱50 milyon; at Calabarzon sa ₱213,500.

Internasyonal

Kasabay ng Conclave: Ilang kababaihan sa Roma, panawagang magkaroon ng 'babaeng pari'

Pagdating naman sa pinsala sa imprastraktura, ang CAR ang may pinakamataas na pagkalugi sa ₱3.1 bilyon, ayon sa NDRRMC.

Sinundan ito ng Region 1 sa ₱643 milyon; Region 2 sa ₱483 milyon; Bicol Region sa ₱52 milyon; Region 4B sa ₱29 milyon; at Region 6 sa ₱1.5 milyon.

Tinatayang 291,262 pamilya o 1,029,724 indibidwal umano ang kabuuang naapektuhan ng Super Typhoon Egay na lumabas ng Philippine area of resonsibility (PAR) kamakailan.