Ilan ang "group chats" mo sa kasalukuyan?
Sa makabagong panahon ngayon, wala yatang netizen na gumagamit ng social media ang hindi kabilang sa "group chats" o GC. Mapa-usaping trabaho man, mapa-usaping akademya, o kahit simpleng GC ng mga magkakaibigan, sa paraang ito mas napabibilis ang batuhan ng komunikasyon at pagpapabatid ng mahahalagang impormasyon, detalye, at anunsyo. Kaysa nga naman iisa-isahin pa, hindi ba?
Sa pagsasara ng taong panuruan 2022-2023, marami sa mga guro ang nagpapahayag ng pagkalungkot at pagkadismaya sa ilang mga mag-aaral na basta-basta na lamang nagli-leave o umaalis sa kani-kanilang mga nilikhang group chats.
May ilang nagpapaalam, nag-iiwan ng mensahe para sa lahat, at may ilang wala lang at basta na lang aalis.
Kaya naman agad na nag-viral at umani ng libong reactions at shares ang Facebook post ng gurong si "Jonathan Gudes Merillo," 33-anyos mula sa Sulat, Eastern Samar, at higit 10 taon nang nagtuturo sa high school, matapos niyang ibahagi ang kaniyang kasiyahan sa isang GC na matagal nang hindi aktibo subalit nananatiling kompleto ang kaniyang mga dating mag-aaral dito.
Aniya sa kaniyang post, "Thank you for staying."
"This one is the group chat (gc) of my previous advisory class. Guess what? No one left this group. College na sila, but until now, buo pa rin ang gc. So, we get to talk about things pa rin from time to time without me searching for them individually."
Ngunit kung may mga hindi umalis sa GC niya noon, iba naman ang kaso sa isa niyang klase sa Senior High School.
"On the other hand, since last week, members of the gc in one of my classes (Grade 11) have been leaving the group, similar to the post trending recently where students just left the group just like that. Gets ko naman. Ayaw siguro nilang puno ang chatbox nila. Or some other reasons, maybe."
"Pero, diba di naman nagnonotify or nagpa-pop up ang gc kung walang nagchachat? Or no activity ang gc at all? Why not just let it be?"
Sa mga sumunod na talata ay sinambit ng guro ang palagay niya hinggil sa GCs.
"Group chats can be a good avenue to communicate ocassionally even after the school year. Others also use it to trace the whereabout and the whatabouts of their former students. It would be a huge favor for teachers if learners won’t leave the group chat, unless may mabigat na kadahilanan."
"So, to my students who stick around our gc’s, thank you for staying. You’re making me feel na kahit sa gc manlang, may kayang magstay at hindi mang-iwan."
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sir Jonathan, naiintindihan daw niya ang ilang mga guro kung bakit sumasama ang loob ng ilan, o kaya naman ay nagiging sentimental dahil sa paglisan na lamang basta-basta ng kanilang mga "anak" sa GC.
Kaya malaking pasasalamat niya sa mga dati niyang mag-aaral sa kolehiyo, na kahit na may sari-sariling pakpak na't lumilipad na sa pag-abot sa kani-kanilang mga pangarap, ay hindi naman pinuputol ang komunikasyon sa kaniya.
"It’s normal to experience students who are leaving group chats after the semester or the SY. Some of them, as in my other gc’s, left without a word, while others are a bit kinder for thanking me and asking permission to leave before doing the act. I was just amazed really with this GC I posted because nobody from the group left our GC despite the fact that they have already graduated a year ago."
"They were also my advisory class in SY 2021-2022. I remember telling them that if possible, they don’t need to leave the gc so we can still communicate and I can still ask them how they are doing without me searching for them individually."
"But of course they were still given the leeway to decide for themselves. Pero yun nga, no one left the gc. I still have other gc’s naman na may mga tao pa til now, but some of the members are already inactive; baka nagpalit ng account or di na Facebook user," aniya.
Wala rin naman daw masamang umalis sa isang GC subalit nag-iwan ng paalala ang guro sa mga mag-aaral.
"It is their choice to leave, I mean in any situation naman. Pero for GC’s, kung aalis, it wouldn’t hurt to be polite by asking permission that you are leaving the group. It would also be better to thank the teacher for having the GC to make everything facilitative under her subject."
"GCs are effective tool for communicating concerns, tasks, ideas and insights within the group members. Pag si teacher gumawa ng gc, may magandang purpose at rason yan. So, thanking him/her for that is the very least that you can do as a student."
"For those who choose to stay, you have no idea how grateful your teachers might feel about that. Our being teachers does not end up after the semester or the school year. Even when you leave the portals of the school after graduation, we will remain a teacher to you."
"We would still think of communicating with you just to check on you. In the same manner, as experienced, students still tend to ask some of their teachers about something they could not understand (lesson, life puzzles, etc). Usually sa mga sobrang pinagkakatiwalaan nilang guro ito nangyayari."
"So, thru GC or not, I guess it is a blessing to have learners who keep the connection even after graduation," dagdag pa ng guro.
Sir Sir Merillo ay nagtuturo ng iba't ibang paksang may kinalaman sa English subject gaya ng Oral Communication, English for Academic and Professional Purposes, Practical Research 1 & Inquiries, at Investigation and Immersion.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!