Natapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tig-₱12,000 sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Inumpisahan ng ahensya ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa mga evacuee nitong Hulyo 14, sa tulong na rin ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office.

Nasa 2,981 pamilya ang nakinabang sa naturang ayuda, kabilang na ang 865 na pamilya mula sa Camalig, 805 sa Daraga, 796 sa Guinobatan, 417 sa Tabaco, 56 sa Ligao City at 42 naman sa Sto. Domingo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa DSWD na ipatupad emergency cash transfer (ECT) program sa Albay upang mabigyan ng ayuda ang libu-libong pamilyang patuloy na nanunuluyan sa mga evacuation center sa lalawigan dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.