Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulungan nila ang bawat pamilya ng mga nasawi sa tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal nitong Hulyo 27.

Sa pahayag ni DSWD Calabarzon Region director Barry Chua, aabot sa ₱10,000 ang ipamamahagi nila sa bawat pamilya ng 26 na namatay sa trahedya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tiniyak naman ng Disaster Response and Management Division (DRMD) sa mga survivor na bibigyan sila psychological first aid (PFA).

Matatandaang tumaob ang bangkang MBCA Princess Aya, lulan ang mahigit 60 na pasahero malapit sa pampang ng Barangay Kalinawan Port Binangonan habang patungong Talim Island nitong hapon ng Huwebes.

Bukod sa mga nasawi, nasa 40 naman ang nailigtas sa insidente.