Itinalaga ni Pope Francis si San Fernando Archbishop Florentino Lavarias bilang apostolic administrator ng Diocese of Balanga.
Ayon sa CBCP, inanunsyo ng Vatican ang pagkakatalaga kay Archbishop Lavarias noong Sabado, Hulyo 22.
Sa kaparehong araw, pormal ding naluklok si Bishop Ruperto Santos, ang dating obispo ng Balanga, bilang bagong obispo ng Diocese of Antipolo.
“The 66-year-old archbishop’s appointment was effective immediately,” anang CBCP.
Ang isang apostolic administrator ay itinalaga umano upang pansamantalang pamahalaan ang isang diyosesis habang nakabinbin ang paghirang ng isang diocesan bishop.
Naging arsobispo umano si Archbishop Florentino sa San Fernando mula noong 2014.
Bago naman maging arsobispo, naging obispo siya ng Diocese of Iba mula 2004 hanggang 2014.