Hahabulin ng Social Security System (SSS) ang anim na employer sa Daraga City, Albay dahil sa hindi pagre-remit ng ng kontribusyon ng mga empleyado na nagkakahalaga ng ₱700,000.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pahayag ni SSS-Luzon Bicol vice president Elenita Samblero, binisita na nila ang mga nasabing employer kung saan pinaalalahanan na magbayad ng monthly contributions ng kanilang mga empleyado bilang bahagi ng Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) campaign ng ahensya.

“This program is effective not just in Bicol but all over the Philippines. Marami pa kaming hahabulin. Nakikita natin na effective kasi after ng RACE, may mga employer na pumupunta na agad sa office to comply," anang opisyal.

Binanggit ni Samblero na layunin ng kampanya na huwag ipahiya ang mga employer at sa halip ay ipinatatanim sa isipan ng mga ito ang kanilang obligasyon sa SSS.

PNA