Napanatili ng Bagyong Egay ang lakas nito habang mabagal na kimikilos pakanluran sa Philippine Sea nitong Sabado ng gabi, Hulyo 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, namataan ang sentro ng bagyo 665 kilometro ang layo sa silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour.

Mabagal itong kumikilos sa direksyong kanluran.

Sa ngayon, wala pa ring naitatalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA sa alinmang lugar dulot ng nasabing bagyo.

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Gayunpaman, inaasahan umanong magdudulot ang trough ng bagyo ng mga pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas ngayong gabi o bukas ng madaling araw, Hulyo 23.

Inaasahan umanong aabot ang Tropical Storm Egay sa typhoon category sa loob ng 24 na oras at maaaring maging isang super typhoon sa Martes, Hulyo 25.