Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Linggo, Hulyo 16, na walang pondo ng publiko na ginamit sa paggawa ng logo ng “Bagong Pilipinas” campaign na siyang bago umanong “brand” ng governance at leadership ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

MAKI-BALITA: Malacañang, inilunsad ‘Bagong Pilipinas’ campaign

“The logo was produced internally by the Presidential Communications Office and underwent complete staff work to ensure adherence to the heraldic code. This was accomplished without any cost to the government,” pahayag ng PCO.

Sinabi rin ng PCO na ang logo ng Bagong Pilipinas ay naglalarawan ng iba't ibang yugto ng pag-unlad sa paglalakbay ng bansa tungo sa mga adhikain para sa hinaharap.

National

Bulkang Kanlaon, halos 2 oras nagbuga ng abo — Phivolcs

Sinasagisag umano ng tatlong pulang guhit ang mga pangunahing yugto ng pag-unlad sa kasaysayan: ang “post-war agricultural and rural development; the post-colonial period; and the current metropolitan development.”

Ayon din sa PCO, sinisimbolo ng dalawang asul na guhit ang mga layunin ng pamahalaan para sa hinaharap – isang progresibong Pilipinas na gumagamit ng technological advancement sa pagsusulong ng sustainable industrial development.

Ipinahihiwatig naman umano ng pagsikat ng araw ang bukang-liwayway ng isang bagong Pilipinas, na sumisimbolo sa pagnanais na maging sentro ng pandaigdigang pamilihan at komunidad ng mga bansa.

“The weave pattern illustrates the interconnectedness and unity of the Filipino people, as the vision of a Bagong Pilipinas can only be achieved through collective effort, collaboration, and a shared commitment to progress. Just as individual strands come together to form a strong and intricate weave, the Filipino people, with their diverse backgrounds, talents, and rich cultural heritage, contribute to the strength of the nation,” saad din ng PCO.

“Overall, the Bagong Pilipinas logo embodies the Marcos Administration’s vision for the country, emphasizing unity, involvement, and the bayanihan culture as the main fibers and components for its full realization,” dagdag nito.