Ibinalita ng GMA Network na umeere na sa bansang Indonesia ang hit fantasy-action series nilang "Lolong" na pinagbidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Nagsimula na raw mapanood sa ANTV channel ang Lolong na may pamagat na "Dakkila."

Hango ang bagong pamagat sa pangalan ng buwaya sa serye na si "Dakila."

Nawindang naman ang mga Pinoy netizen sa pamagat ng serye, batay sa mababasang mga reaksiyon at komento sa comment section.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"The design is very daks."

"Bakit hindi Lolong na lang hahaha kakaloka..."

"The title is very green minded."

"DAKS na lang para madali naming matandaan."

"Dakilang lahi haha."

"Bagay kay Ruru yung title haha."

"We need proof kung talagang dakila! cc: Ruru Madrid."

Ang salitang "Dakila" o "Daks" kasi ay nangangahulugang malaki, na kadalasang ikinakapit sa ari ng isang lalaki.

Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa Lolong at GMA Network dahil dito.

Hindi ito ang unang beses na may seryeng Pinoy ang ipinalabas sa Indonesia.

Bago ang Lolong, ipinalabas na rin sa ANTV ang "Mars Ravelo's Darna" ng ABS-CBN subalit ipinahinto rin ito dahil sa ilang isyu.