Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit sa ₱18 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa joint maritime operation sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte kamakailan na ikinaaresto ng 10 tripulante.

Aabot sa 23,400 ream ng sigarilyo na karga ng isang bangkang de-motor ang nasamsam sa karagatang bahagi ng Barangay Camudmud nitong Hulyo 9, dakong 10:30 ng gabi.

Kaagad na sinamsam ng BOC ang mga sigarilyo matapos mabigo ang 10 tripulante na magharap ng kaukulang papales.

Inaresto rin ang mga nabanggit na tripulante na nasa kustodiya na ng Sasa Police Station sa Davao City habang inihahanda pa ang kanilang kaso. 

Nitong Hulyo 8, nakumpiska rin ng BOC ang aabot sa ₱7.3 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa karagatang malapit sa Manalipa Island, Zamboanga City.