Lumabas na umano ang summons ng Marikina Regional Trial Court hinggil sa inihaing copyright infringement at unfair competition complaints nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, o mas kilala bilang TVJ laban sa TAPE, Inc. at GMA Network ngayong Miyerkules, Hulyo 12, 2023.

May kinalaman ito sa titulong "Eat Bulaga!" na ginagamit pa rin ng TAPE at umeere pa rin sa GMA-7.

Ayon sa ulat ng PEP, binibigyan ng 30 araw ang mga partidong inirereklamo na magbigay ng kanilang paliwanag hinggil sa isyu.

“GREETINGS. You are hereby required, within thirty (30) days after service of this Summons to file with this court and serve on the plaintiffs, through counsel, you Answer to the Complaint, copy of which is attached together with the answers," mababasa sa lumabas na dokumento.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“You are reminded of Rule 2, Section 4 of the 2020 Revised Rules of Procedure for Intellectual Property Rights Cases which proscribed the filing of a motion to dismiss except only on the grounds of lack of jurisdiction over the subject matter, litis pendentia, or res judicata, and instead allege any ground/s other than the ones previously mentioned as defense/s in the Answer."

“If you fail to answer within the time fixed, the court, on motion of the plaintiffs, or motu proprio, render judgement as may be warranted by the allegations in the complaint, as well as the affidavits and other evidence on record."

"WITNESS, the Honorable Judge ROMEO DIZON TAGRA, Presiding Judge of this Court, this 10th of July 2023, at Marikina City, Metro Manila, Philippines."

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network na ipinagkakatiwala na nila sa kanilang mga legal counsel ang usaping ito.

Bago ang balitang ito, nauna nang sinabi ni Tito Sotto na "makikipaglaban" sila para sa titulo ng Eat Bulaga!