Narekober ng miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes, Hulyo 11, ang mahigit ₱1.2 milyong halaga ng umano'y shabu sa loob ng isang abandonadong motel room sa Timog Avenue sa Barangay South Triangle sa Quezon City.

(Photo from Quezon City Police District/ MANILA BULLETIN)

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon sa QCPD, ang pagkatutuklas sa umano'y iligal na droga ay iniulat sa kanila ng pamunuan ng hotel sa pamamagitan ng emergency hotline ng Quezon City na Helpline 122.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na natagpuan ng isang room attendant ang 180 gramo ng umano'y shabu na nakatago sa kama sa isang motel bandang 7:!5 ng gabi. Agad niyang iniulat ito sa kaniyang supervisor at humingi ng tulong sa mga pulis.

Agad na rumesponde ang QCPD-District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa lugar at narekober ang umano'y iligal na droga na may halagang ₱1,224,000.

Dinala na ang mga ebidensya sa chemical section ng DDEU para sa chemical analysis.

Samantala, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang otoridad at nirerebyu ang CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng nag-iwan ng umano'y shabu sa motel. 

Aaron Dioquino