Nagkaloob ang pamahalaan ng United States ng tinatayang ₱7 milyon ($125,000) para sa Philippines-United Nations (UN) Joint Programme for Human Rights.
Ipinaabot umano ang naturang halaga sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).
Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 7, ibinahagi ng US Embassy in the Philippines na susuportahan ng naturang halaga, na ipinagkaloob sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapatibay ng “accountability mechanisms” at paglulunsad ng karapatang pantao sa bansa.
“Human rights are a critical pillar in development, and we believe it is not possible for any country to rise to its full potential without them,” ani US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.
“We are proud to join the international community in supporting the Philippines to protect human rights and uphold every person’s individual dignity,” dagdag niya.
Binanggit din ng Embahada ang naging pahayag ni US President Joe Biden Jr. ng pagsuporta sa pagsusulong ng karapatang pantao sa Pilipinas sa kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington, D.C.
“Promoting respect for human rights and the rule of law, as well as ensuring the safety of civil society leaders and marginalized communities, are among the key priorities in the U.S.-Philippines relationship,” anang US Embassy.
Makikita naman sa ibinahaging larawan ng Embahada si Carlson kasama ang UN Resident Coordinator in the Philippines na si Gustavo González.
“We welcome the contribution of the United States to the UN Joint Programme for Human Rights and their commitment to promote human rights in the Philippines and beyond. We look forward to engaging with them further on this important work,” saad naman ni González.
Inilunsad noong 2021, ang UN Joint Program in the Philippines ay sumusuporta umano sa government and non-government institutions sa mga kritikal na salik, kabilang na ang pangangalaga sa civic space at pakikipag-ugnayan sa civil society at sa Commission on Human Rights.
Pinatitibay rin umano ng tatlong taong inisyatiba ang mga mekanismo para sa pananagutan at itinataguyod ang mga pamamaraan ng pagkontrol sa droga na nakabatay sa karapatang pantao.