Sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang halos ₱1 milyong halaga ng smuggled na sibuyas sa Port of Cebu.

Sa paunang imbestigasyon ng BOC, ang nadiskubreng puslit na sibuyas ay itinago sa kargamentong "kimchi" na mula pa sa China.

Mahigit na isang buwan na umanong inabandona ang nasabing kargamentong aabot sa 147 kahon ng "kimchi" na nagkakahalaga ng ₱998,700.00.

Ayon sa BOC, aabot lamang sa ₱183,750.00 ang halaga ng kimchi kung saan at inihalo lamang ang kahun-kahong puslit na sibuyas sa pag-aakalang hindi mabibisto.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matapos ang mahigit isang buwang pag-abandona ay kaagad na naglabas ng Decree of Abandonment ang BOC, kasabay ng pagsamsam sa kargamento.

Inaalam pa ng BOC ang pagkakakilanlan ng consignee upang masampahan ng kaukulang kaso.