Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:27 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 27 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kiamba, Sarangani, na may lalim na 24 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Kiamba, SARANGANI, habang Intensity II naman sa CITY OF GENERAL SANTOS at Tupi, SOUTH COTABATO.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities:

Intensity V - Kiamba, SARANGANI

Intensity III - CITY OF DAVAO; Maitum, SARANGANI

Intensity II - CITY OF GENERAL SANTOS; Tupi, SOUTH COTABATO

Intensity I - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Maasim, and Alabel, SARANGANI; Koronadal City, and Sto. Nino, SOUTH COTABATO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.