Ipinahayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Martes, Hulyo 4, na sinuri nito ang pelikulang “Barbie” matapos itong i-ban sa Vietnam dahil sa mga eksenang nagpapakita ng mapa na may nine-dash line ng China.

“We confirm that the Board has reviewed the film ‘Barbie’ today, 04 July 2023,” anang MTRCB.

“At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit,” dagdag nito.

Kapag available na, ayon sa MTRCB, ilalabas nila ang kopya ng Permit to Exhibit o ang desisyon ng Komite sa kanilang opisyal na website na mtrcb.gov.ph.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakatakdang magbukas ang "Barbie" sa Philippine cinemas sa darating na Hulyo 19.

Samantala, matagal na umanong ginagamit ng China ang nine-dash line upang ilarawan ang malawak na pag-angkin nito sa malaking bahagi ng South China Sea.