Mayorya sa mga Pilipino ang patuloy na may positibong pananaw sa estado at ekonomiya ng Pilipinas, ayon sa pinakabagong PAHAYAG survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Huwebes, Hunyo 22.

Sa naturang survey ng ng PUBLiCUS Asia, lumabas umanong nanatiling matatag ang mga pananaw ng mga Pilipino sa pambansang ekonomiya at pananalapi ng sambahayan sa parehong unang quarter at ikalawang quarter ng taon.

“Respondents expressed optimism regarding the current state (51%) and direction (68%) of the country, as well as the national economy (69%) and financial prospects (70%). Notably, government workers demonstrated the most improved views,” anang PUBLiCUS Asia.

“The 18-24-year-old and Non-working demographic expresses growing dissatisfaction with the country’s state, direction, and economic prospects. Limited educational and employment opportunities contribute to their negative sentiments, fostering a sense of disillusionment,” dagdag nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila ng pangkalahatang positibong resulta na 67% sa estado bansa para sa 2023 Third Quarter, nakaranas naman umano ang ilang bahagi ng populasyon ng makabuluhang pagbabago tungo sa mga negatibong sentimyento.

“The 18-24-year-old age group (61% in Q1 to 53% in Q2), non-Catholics (71% in Q1 to 63% in Q2), other workers (73% in Q1 to 66% in Q2) individuals with no formal education (69% in Q1 to 55% in Q2), and vocational workers (75% in Q1 to 69% in Q2) have shown a decline in positivity. Similarly, the North-Central Luzon region witnessed a decrease in positive sentiment, falling from 71% in the first quarter to 66% in the second quarter,” saad ng PUBLiCUS Asia.

“However, it is noteworthy that there has been a significant increase in positive sentiments among the 25-29-year-old age group and government workers,” dagdag nito.

Isinagawa umano ng PUBLiCUS Asia ang nasabing survey mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 12, at mayroong 1,500 mga rehistradong Pilipino bilang mga respondente.