Pinag-aaralan na ng pamahalaan na gawing national park ang 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Mayon Volcano.

Ito ang isinapubliko ni Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

Kapag aniya natuloy ang plano, pagbabawalan nang manirahan sa danger zone ang mga residente.

Hindi na rin aniya magkakaroon ng problema hinggil sa paglilikas sakaling tumindi pa ang pag-aalburoto ng bulkan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Aniya, nag-ugat ang panukala sa isinagawang situational briefing sa Albay kaugnay sa patuloy na abnormalidad ng bulkan.

"The proposal was discussed during our visit in Albay to assess the situation of those that have been evacuated, to see what was needed, and also the activity of Mayon volcano," aniya.

Sa ngayon aniya, mahigit na sa 9,000 pamilya mula sa iba't ibang barangay ang nailikas na at pansamantalang nanunuluyan sa 22 na evacuation center sa lalawigan.

Philippine News Agency