“Space flower 🌼”
Isang “kamangha-manghang” larawan ng zinnia flower na pinatubo sa space garden ang ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Sa Instagram post ng NASA nitong Martes, Hunyo 13, ibinahagi ng NASA na ang naturang zinnia flower ay lumaki sa orbit bilang bahagi ng Veggie facility sa International Space Station (ISS).
“Scientists have been studying plants in space since the 1970s, but this particular experiment was started on the @ISS in 2015 by NASA astronaut Kjell Lindgren,” anang NASA.
“Our space garden isn't just for show: learning how plants develop in orbit will help us understand how to grow crops off the Earth, providing a valuable source of fresh food on long-term missions to the Moon, Mars, and beyond,” dagdag nito.
Nagtanim din umano ang NASA astronauts ng lettuce, kamatis, at chile pepper sa ISS, bukod sa iba pang mga gulay.
Ibinahagi rin ng NASA na may marami pa silang itatanim na halaman sa ISS sa mga darating na panahon.