Usap-usapan ang Instagram post ni Kapuso comedy star Pokwang matapos niyang mag-file ng deportation laban sa American actor at dating partner na si Lee O'Brian.

Bukod sa kaniyang Instagram post, makikita rin sa Instagram post ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori ang panayam niya kay Pokie.

Kitang-kita ang pagiging emosyonal ng komedyana/TV host ng "TikToClock."

"Hell hath no fury like a woman scorned. #Pokwang files a petition for deportation against ex-partner Lee O’Brian. Her camp claims that O’Brian was using a tourist visa while working in the country for the past eight years," ani Marfori sa kaniyang caption.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Sana mabigyan ng leksyon yung mga nang-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, ng bawat nanay... umiiyak na sabi ni Pokwang kasama ang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Sundot na tanong ni MJ, ano raw ba ang tinutukoy niyang abusong nakuha niya mula kay O'Brian, na nagtulak na sa kaniya para mag-file ng petition for deportation dito.

"Mentally. Sobrang-sobra. May mga gabing hindi ka makatulog. Hindi niya nagagawa ang obligasyon niya bilang ama. Sobrang masakit para sa akin," anang Pokwang.

Kung sisilipin naman ang Instagram post mi Pokwang ngayong Martes, Hunyo 13, makikita ang litrato ng isang dokumento na may header mula sa Department of Justice, Bureau of Immigration.

Nakasilid pa sa brown envelope ang kabuuan ng katawan ng liham, subalit bahagyang mababasa na ito ay "petition."

Caption ni Pokwang sa kaniyang IG post, "Para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na nakasubaybay sa kanilang hiwalayan simula nang maisapubliko ito.

"Saludo sa'yo mamang sa paninindigan at hindi pagsuko kahit andaming epal sa mundo! Haha! God bless you and your fam."

"Goooo ipa-deport mo na 'yan. Akala lang kasi ng ibang kalahi natin porke American madaming pera kaya nila kinakampihan 'yang mga abusadong banyaga hindi dapat 'yan hinahayaan manirahan sa bansa."

"Tama lang 'yan na bumalik 'yan sa bansang pinagmulan niya. Kung di naman pala ginagampanan ang tungkulin niya bilang isang ama!"

MAKI-BALITA: ‘Turuan ng leksyon!’ Pokwang ipapa-deport ex-partner na si Lee O’Brian

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Lee O'Brian tungkol dito.